このサイトではJavaScriptを使用したコンテンツ・機能を提供しています。JavaScriptを有効にするとご利用いただけます。

本文へスキップします。

ホーム > くらし・安全・環境 > 身近な生活 > 外国籍県民・多言語情報 > Suporta ng pamahalaan ng Kanagawa Prefecture para sa mga dayuhang residente sa panahon ng kalamidad at emerhensiya(タガログ語)

更新日:2025年5月15日

ここから本文です。

Suporta ng pamahalaan ng Kanagawa Prefecture para sa mga dayuhang residente sa panahon ng kalamidad at emerhensiya(タガログ語)

Ang pahinang ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga suportang ipinagkakaloob sa mga dayuhang residente sa panahon ng kalamidad.

Kung sakaling magkaroon ng isang malaking kalamidad, may impormasyon kaugnay dito sa pahinang ito na nakasalin sa iba’t-ibang wika.

Inilalathala din ang kapaki-pakinabang na impormasyon upang palawakin ang pansin o pagbatid ng mga dayuhang residente tungkol sa pangangasiwa ng kalamidad.

Sa pag-click ng button sa ibaba, maaaring buksan ang pahina sa sariling wika.

english kantaiji hantaijino korean spanish portuguese tagalog thai vietnamese laos cambodia yasasinihongo

Impormasyon tungkol sa kalamidad

Ipinagkakaloob ang impormasyon tungkol sa lindol at tsunami, mga babala sa lagay ng panahon at pagpapayo, impormasyon tungkol sa evacuation shelters, at iba pa. Pakipili ang sariling wika sa bahaging itaas ng pahina.

Ito ang webpage ng Kanagawa International Foundation, kung saan ipinagkakaloob ang kinakailangang impormasyon sa iba’t-ibang wika para sa mga dayuhang residente sa oras na magkaroon ng isang malaking kalamidad.

Mga pamphlets at posters tungkol sa paghahanda para sa kalamidad sa iba’t-ibang wika

Mga Hakbang ng Pag-iingat sa Panahon ng Lindol

[画像:地震に自信をパンフレット1]

english kantaiji korean portuguese

Ginawa ng Institute of Scientific Approaches for Fire & Disaster

[画像:地震に自信をパンフレット2]

spanish tagalog thai vietnamese laos cambodia

Ginawa ng Kanagawa Local Authorities Study Group of International Policies


Maging handa. Kawasaki

[画像:備えるかわさきパンフレット]

english kantaiji korean spanish portuguese tagalog yasasinihongo

Ginawa ng Crisis Management Office, General Affairs and Planning Bureau, siyudad ng Kawasaki


Gabay tungkol sa disaster prevention sa iba’t-ibang wika

多言語防災ガイドパンフレット

english kantaiji korean spanish portuguese vietnamese

Ginawa ng Crisis Management Division, Disaster Prevention Department, siyudad ng Fujisawa


Mga punto para sa mga dayuhan upang mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad

[画像:減災のポイントポスター]

Ibinubuod sa poster na ito ang mga puntong kinakailangang gawin ng mga dayuhan upang protektahan ang sarili sa pinsalang dulot ng kalamidad

Sa pag-scan ng QR Code gamit ang smartphone, makikita ang poster ayon sa language setting ng sariling smartphone.

Ang “QR Code” ay rehistradong trademark ng DENSO WAVE INCORPORATED.

english yasasinihongo

Ginawa ng Cabinet Office

Mga kapaki-pakinabang na tools para sa pagsuporta sa mga dayuhang residente sa panahon ng kalamidad

Mga tools na ipinagkakaloob ng Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR)

Ipinagkakaloob ng CLAIR ang iba’t-ibang kapaki-pakinabang na tools upang tulungan ang mga dayuhan sa panahon ng kalamidad


INFO KANAGAWA

Sa pangangasiwa ng Kanagawa International Foundation

Ang programang ay nakatuon sa pagpapadala ng newsletters nang ilang beses sa isang buwan upang maipamahagi ang kapaki-pakinabang na impormasyon sa iba’t-ibang wika sa mga dayuhan. Maaaring tanggapin ang newsletters sa sariling smartphone o PC. Ang impormasyon ay ipapadala din sa panahon ng kalamidad.


Medical questionnaire forms sa iba’t-ibang wika

Ginawa ng non-profit organization International Community Hearty Konandai/ng Kanagawa International Foundation

Ang mga pormang ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang sintomas ng mga sakit o pinsala sa oras na pumunta ang isang dayuhang hindi nakakapagsalita ng wikang Hapon sa ospital. Ang itinakdang pormang nakahanda para sa bawat medical department ay nakasalin sa 23 wika at nakasulat sa tabi ng Japanese text.

englishno kantaijino koreanno spanishno portuguesenno thaino tagalogno vietnamno laosno cambodianno indonesianno nepaleseno burmeseno germanyno russianno frenchno persianno arabicno croatianno tamilno sinharano ukurainianno mongolianno


Safety tips

Nasa superbisyon ng Japan Tourism Agency

Multilingual application na awtomatikong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalamidad sa Japan na nasa 15 wika.

セーフティーチップス Download Paliwanag

For Android

[画像:セーフティーチップスのQRコードアンドロイド]

For iPhone

[画像:セーフティーチップスのQRコードiphone]

nihonno englishno


NHK WORLD-JAPAN

Sa pangangasiwa ng NHK (Japan Broadcasting Corporation)

Isang app para sa panonood ng balita at iba pang mga programa ng NHK World-Japan na nasa iba’t-ibang wika. May serbisyo din ito na nagbibigay ng emergency information tungkol sa lindol at tsunami sa pamamagitan ng smartphone.

NHKワールド Download Paliwanag

For Android

[画像:ja-nhk-android]

For iPhone

[画像:ja-nhk-ios]

nihonno englishno

Japan Safe Travel

Sa pangangasiwa ng Japan National Tourism Organization (JNTO)

Ang impormasyon ukol sa kaligtasan at seguridad ay ipinagkakaloob sa mga turistang lumalagi sa Japan, tulad ng mga babala at pagpapayo ukol sa natural na kalamidad, mga panganib sa trapiko sa sistema ng transportasyon, at pagbigay-pansin sa mga nakakahawang sakit at heat shock.

Kanagawa Prefectural Multilingual Support Center para sa panahon ng kalamidad

Sa pagtatag ng Kanagawa Prefectural Government (K.P.G.) Disaster Management Headquarters sa oras na magkaroon ng isang malaking kalamidad, magkasamang itinatatag at pinangangasiwaan ng pamahalaan ng prepektura at Kanagawa International Foundation ang “K.P.G. Multilingual Support Center para sa panahon ng kalamidad” upang ipagkaloob ang impormasyon at konsultasyon sa mga dayuhang residente.

Recruitment ng mga boluntaryong interpreter at translator sa panahon ng kalamidad

Kasalukuyang naghahanap ng mga boluntaryong interpreter at translator na maaaring tumulong sa mga dayuhang residente sa panahon ng kalamidad.

Para sa pahina ukol sa volunteer recruitment

Links

このページに関するお問い合わせ先

文化スポーツ観光局 国際課

文化スポーツ観光局国際課へのお問い合わせフォーム

外国籍県民支援グループ

電話:045-285-0543

ファクシミリ:045-212-2753

このページの所管所属は文化スポーツ観光局 国際課です。

ページの先頭へ戻る

AltStyle によって変換されたページ (->オリジナル) /