Aytem #: SCP-2158
Klasipikasyon: Safe
Espesyal na Hakbang Pagpigil: Ang SCP-2158 ay nakapaloob sa isang kandadong lalagyan sa Site-17. Ang SCP-2158-1 ay nakapaloob sa morge ng Site-7
Deskripsyon: Ang SCP-2158 ay isang revolver na Remington Model 1875 na nakahawak sa naka-disbody na kamay ni Joshua Graham (1868-1893). Ito ay hindi binago maliban para sa mga yaring-kamay na hawakan na gawa mula sa sungay ng baka. Ito ay pumuputok ng .44-40 mga bala. Anumang bala na pumutok mula sa baril na ito ay magbabago ng direksyon paglabas nito, kukuha ng pinakadirektang ruta patungo sa SCP-2158-1, kung saan ito ay magtatala, dadaan sa anumang mga sagabal.
Ang SCP-2158-1 ay ang embalsamadong katawan ni Stanley Tewksbury (1871-1924), isang rantsero na orihinal na inilibing sa Punkin Center, Arizona. Ito ay kasalukuyang naglalaman ng higit sa 130 mga bala, at 80 dito ay naroroon bago kumubra.
Natagpuan ang SCP-2158 sa isang abandonadong tahanan ng rantso sa Punkin Center, na hawak ng bangkay ni Joshua Graham, isa pang rantsero. Sinuri ng MTF Psi-8 upang matukoy na walang mga linya ng komunikasyon ang nabuksan. Matapos ay pinahintulutan ang mga mananaliksik na ma-access ang katawan para sa pag-aaral. Ang autopsi ay nagpakita ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbibigti bilang sanhi ng kamatayan. Karamihan sa katawan ay naagnas nang husto, ngunit ang kamay ay mummified at hindi maalis sa revolver.
Sa kagilagilalas, si Stanley Tewksbury ay namatay dahil sa natural na sanhi tatlong dekada matapos mamatay si Joshua Graham.
Cite this page as:
"SCP-2158 (Tagalog)" written by DrEverettMann, translated by Daran, from SCP International. Source: https://scpint.org/unofficial:tl:scp-2158. Licensed under CC-BY-SA.
For more information, see Licensing Guide (hosted on EN).
Licensing Disclosures