Aytem #: SCP-173
Klasipikasyon: Euclid
Espesyal na Hakbang Pagpigil: Ang SCP-173 ay dapat nakakubkob sa isang nakakandadong selda sa lahat ng panahon. Kapag kinakailangan ng mga tauhan na pumasok sa loob ng selda ng SCP-173, hindi dapat bababa sa 3 tao ang papasok anumang oras at isasara ang pinto sa kanilang likuran. Sa lahat ng pagkakataon, dapat may dalawang indibidwal na magpatuloy sa direktang pagmamasid sa mga mata ng SCP-173 hanggang sa ang lahat ng tauhan ay umalis at ang lalagyan ay muling maikandado.
Deskripsyon: Inilipat sa Site-19 noong 1993. Ang pinagmulan nito ay hindi pa tiyak. Ito ay itinayo gamit ang kongkreto at bakal na may mga marka ng spray paint ng tatak ng Krylon. Ang SCP-173 ay may kakayahang kumilos at labis na nakamamatay. Hindi ito makakagalaw kapag ito ay nasa diretsong linya ng paningin. Ang linya ng paningin ay hindi dapat mawalan ng kontact sa SCP-173 sa anumang oras. Ang mga tauhan na papasok sa lalagyan ay inuutos na magbigay ng babala sa bawat isa bago sila kumurap. Ipinapaliwanag na ang SCP-173 ay marahil sumasalakay sa pamamagitan ng pag-snap sa leeg sa base ng bungo o sa pamamagitan ng pagsakal. Sa kaso ng isang pag-atake, ang mga tauhan ay dapat sundin ang mga pamantayan ng Class 4 sa pagpigil sa mapanganib na bagay.
Ang mga tauhan ay nagbibigay ng ulat tungkol sa mga ingay ng pag-scrape ng bato na nagmumula sa loob ng selda kapag walang tao sa loob. Ito ay kinikilalang karaniwan, at anumang pagbabago sa ganitong pag-uugali ay kinakailangang ireport sa aktibong superbisor ng HMCL.
Ang mga pulang-kayumangging sangkap sa sahig ay resulta ng kombinasyon ng dumi at dugo. Hindi tiyak ang pinagmulan ng mga materyales na ito. Ang enclosure ay kinakailangang linisin sa isang bi-lingguhang batayan.
Cite this page as:
"SCP-173 (Tagalog)" written by Moto42, translated by Daran, from SCP International. Source: https://scpint.org/unofficial:tl:scp-173. Licensed under CC-BY-SA.
For more information, see Licensing Guide (hosted on EN).
Licensing Disclosures