SCP-067-TL
rating: +4
SCP-067-PH
litrato ng SCP-067-TL

Item #: SCP-067-TL

Uri nang klasipikasyon: Ligtas

Espesyal na kontra at pagpigil: Ang SCP-067-TL ay ipinapakita sa site-██ na kinikilala bilang sektor para sa mga kultural na anomalya nang SCP pundasyon, nakalagay ito sa plastik na eskaparate na siyam na pulgadang tangkad at walo punto't apat na pulgadang lapad.

Dahil ang epekto nang anomalya na ito hindi masyado napapansin, lahat nang nababanggit na pagbabago sa panahon ay ilalahad nang mga istasyon nang mga balita bilang epekto nang pagpapalit nang klima sa buong mundo.

Paglalarawan: Ang SCP-067-TL ay isang laruan na ang pinanggalingan ay sa bansang hapon, ang laruan na ito ay mas kinikilala bilang isang Kendama.

Walang naitatala o ebidensiya na mayroong kinalaman sa anomalya ang kahoy na ginamit o sa kumpanya na gumawa na nagnudnod nang laruan na ito, ang kahoy na ginagamit para sa anomalya ay kilala bilang Haya.

Ang epekto nang SCP-067-TL ay mapapansin pag nilalaruan ito. Sa bawat tsansa na ang bola na nakakonekta sa lubid ay pumalya sa tutok ng kahoy at kung alinmang direksyon ito nagpalya nang kanan o kaliwa, ito ay makakapagapekto sa aksis nang buong mundo ng isang metro lamang. Hindi pa alam kung paano naapektuhan nang anomalya na ito ang aksis nang buong mundo, pero sa ngayon ito ay pinapaghanap nang pagaapruba sa maiging pagaaral tungkol sa mga iba pang kakayahan nang anomalya na ito.

Sa ngayon nadiskubre na hindi gumagana ang epekto nang anomalya pag sinasadya ang pag hulog nang bola sa kaliwa't o kanan nang laruan, hindi din gumagana ang epekto nang anomalya pag hinahawakan ang bola o ang tali at pinapaglaruan ito. Inaalam na ang epekto nang anomalya na ito ay hindi gumagana pag hindi ito nilalaruan sa tamang pamamaraan.

Sa ngayon pinapag-dibate kung ano ang tamang uri nang klasipikasyon nang anomalya na ito. Ang anomalya ay hindi bibigyan nang ibang klasipikasyon at tatawagin ito bilang isang "ligtas" na anomalya hanggat may karagdagang abiso galing sa site direktor na may hawak sa pagsubaybay nang site-██.

Sa ibabaw ipinapakita ang mga experimento na naisagawa kay SCP-067-TL:

SCP-067-TL Test
Tauhan D-5423
Protokol Paglaruan si SCP-067-TL nang tatlong minuto.
Resulta Gumalaw ang aksis nang planeta nang isang sentimetro sa kaliwa't o kanang direksyon kung saan ang bola nang laruan pumalya.

Note: Ang paggalaw nang aksis ay nakasalalay sa paglalaro nang anomalya, nagagalaw nito ang mundo at dahil delikado ang epekto nang anomalya na ito.

SCP-067-TL Test
Tauhan D-243
Protokol Paglaruan si SCP-067-TL nang limang minuto maliban sa tamang paraan nang paglalaro nang isang kendama.
Resulta Pinaglaruan ni D-243 si SCP-067-TL nang kahit anong paraan nang limang minuto, walang nangyari sa aksis nang mundo.

Note: Ang paggalaw nang aksis ay nakasalalay sa paglalaro nang anomalya sa tamang paraan, walang gagawin na bagong experimento gamit ang anomalya na ito dahil hindi pa natin alam ano ang pwede mangyari sa ating planeta pag itinuloy natin ito. - Dr. Cardo Dalisay

Addendum 1: Sa ngayon walang gagalaw nang anomalya na ito hanggat maaprubado tayo nang site direktor natin, delikado ang kapangyarihan nang anomalya na ito sapagkat sinisira nito ang liknayan nang planeta natin. Ang paglalaro nang laruan na ito makakapaggulo sa balanse nang planeta natin. - Dr. Butobakal

Footnotes
. Ang laruang Kendama ay laruan na ang pinanggalingan ay sa bansang hapon, nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis ng bola sa hangin at pagtatangkang saluhin ito sa punto nitong gawa sa kahoy.
. Beech wood

« SCP-066-TL | SCP-067-TL | SCP-068-TL »

page revision: 11, last edited: 11 Jun 2024 06:17
Unless otherwise stated, the content of this page is licensed under Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 License
Click here to edit contents of this page.
Click here to toggle editing of individual sections of the page (if possible). Watch headings for an "edit" link when available.
Append content without editing the whole page source.
Check out how this page has evolved in the past.
If you want to discuss contents of this page - this is the easiest way to do it.
View and manage file attachments for this page.
A few useful tools to manage this Site.
Change the name (also URL address, possibly the category) of the page.
View wiki source for this page without editing.
View/set parent page (used for creating breadcrumbs and structured layout).
Notify administrators if there is objectionable content in this page.
Something does not work as expected? Find out what you can do.
General Wikidot.com documentation and help section.
Wikidot.com Terms of Service - what you can, what you should not etc.
Wikidot.com Privacy Policy.

AltStyle によって変換されたページ (->オリジナル) /