SCP-012 (Tagalog)

Item #: SCP-012

Pag-uuri: Euclid

Espesyal na Pamamaraan ng Pagtatago: Dapat itago ang bagay sa isang madilim na silid. Kapag ang bagay ay nailantad sa ilaw o nasilayan ng tauhan
gamit ang kahit anong prikwensiya ng ilaw maliban sa infrared, siya'y dapat tanggalin upang makita ang kalagayan ng kanyang kaisipan at pisikal na kalagayan.
Ang bagay ay dapat ilagay sa isang kahong yari sa bakal na nakasabit sa kisame na may pagitan na mahigit 2.5 metro (8ft) mula sa sahig, mga pader, at kahit anong puwang.

Paglalarawan: Ang bagay ay nakuha ng arkiyologo na si K.M. Sandoval sa kalagitnaan ng paghuhukay sa isang libingan sa hilagang Italya na nawasak pagtapos ng isang kamakailan na bagyo.
Ang bagay ay isang piraso ng musika na pinamagatang "Sa Bundok Golgotha". Ito'y nabibilang sa isa pang mas malaking pangkat ng musika at nagmumukhang hindi tapos.
Ang pula/itim na tinta na sa una ay inakalang isang anyo ng beri o natural na tintang pangulayay, ay nalaman na dugo pala ng iba't ibang tauhan.
Ang unang tauhan na nakahanap sa musika (Site 19 Special Salvage) ay may dalawang (2) miyembro na nabaliw at nagtangkang gamitin ang sariling dugo upang tapusin ang komposisyon.
Sila'y nauwi sa malubhang posisyon dahil sa karamihang pagkaubos ng dugo at panloob na kasakitan.

Kasunod ng inisyal na pagsusuri, pinayagan na makalapit ang iba't ibang tauhan sa layuning pageksperimento. Sa lahat ng kaso, ang tauhan ay niluray ang sarili upang magamit
ang dugo sa pagtapos ng musika. Ito'y nauwi sa sikosis at malubhang kasakitan. Ang mga tauhang nakatapos ng isang seksyon ay nagpahayag na ang musika'y "imposibleng maikumpleto" at agaran ring nagpakamatay.
Ang mga pagtangka na maisagawa ang musika ay nauuwi sa isang hindi kanais-nais na kakoponya. Bawat bahagi ng instrumento ay napapakitang walang ugnayan o armonya sa iba pang instrumento.

« SCP-011 | SCP-012 | SCP-013 »

page revision: 5, last edited: 11 Jun 2024 06:31
Unless otherwise stated, the content of this page is licensed under Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 License
Click here to edit contents of this page.
Click here to toggle editing of individual sections of the page (if possible). Watch headings for an "edit" link when available.
Append content without editing the whole page source.
Check out how this page has evolved in the past.
If you want to discuss contents of this page - this is the easiest way to do it.
View and manage file attachments for this page.
A few useful tools to manage this Site.
Change the name (also URL address, possibly the category) of the page.
View wiki source for this page without editing.
View/set parent page (used for creating breadcrumbs and structured layout).
Notify administrators if there is objectionable content in this page.
Something does not work as expected? Find out what you can do.
General Wikidot.com documentation and help section.
Wikidot.com Terms of Service - what you can, what you should not etc.
Wikidot.com Privacy Policy.

AltStyle によって変換されたページ (->オリジナル) /