BOSAIMIE.jp

separator日本語separatorENGLISHseparator中文separator한국어separatorPortuguêsseparatorEspañolseparatorTiếng Việtseparator
Home > Pag-iwas sa sakuna sa araw-araw na pamumuhay > Paghahanda sa sakuna ng pagbaha
Pag-iwas sa sakuna sa araw-araw na pamumuhay
Paghahanda sa sakuna ng pagbaha
Dito ang impormasyon sa mga nakaraang sakuna ng pagbaha

Kailangang mag-ingat sa panahon ng bagyo!!

Kapag umulan nang malakas sa lugar na dinadaluyan ng mga ilog, o kapag natunaw sa tagsibol ang naipong niyebe sa bundok, maraming tubig ang aagos sa mga ilog. Dahil dito, magdudulot ang tubig ng pinsala sa pampang tulad ng pagkasira ng pasilidad na pamprotekta sa pampang, at paglampas nito sa dike.

Pamantayan ng dami ng ulan

Medyo malakas na ulan
10–20 mm
Mahirap mag-usap dahil sa tunog ng ulan
Mayroong ludlod sa lahat ng dako
Kailangan ang pag-iingat kapag nagpatuloy nang matagal ang ganitong pag-ulan

Malakas na ulan
20–30 mm
Aapaw ang kanal dahil sa buhos ng ulan Magsisimula ang pag-apaw ng maliit na ilog, at kaunting pagguho ng bangin

Matinding ulan
30–50 mm
Pagbuhos ng ulan na parang timbang tinaob
Parang ilog na ang kalsada
Madaling mangyari ang pagguho ng bangin
Maghanda para lumikas

Napakatinding ulan
50–80 mm
Patuloy ang pag-ulan na parang talon
Bubulwak ang tubig mula sa manhole, papasok ang tubig-ulan sa basement at underground mall, at maraming mangyayaring sakuna ng pagbaha at pagguho

Marahas na ulan
80 mm o higit pa
Makakaramdam ng presyon na nakakapahirap sa paghinga, at takot
Kailangan ang lubusang pag-iingat dahil mataas ang posibilidad na magkaroon ng malakihang sakuna

Magbabago ang epekto ayon sa kurso ng bagyo

Kapag inilabas ang tinatayaang daan ng bagyo, tiyakin kung saang gawi ng area kung saan kayo nakatira ito dadaan.
Daan ng bagyo at direksyon ng hangin Babala na mag-ingat ayon sa kurso sa Mie Prefecture
[画像:Typhoon path and wind direction ] Baligtad sa patutunguhan
ang direksyon ng hangin
Mahina
ang hangin
Lugar kung saan
pinakamalakas
ang bagyo
Bagyo Lugar kung saan
pinakamalakas
ang windstorm
Pareho sa patutunguhan
ang direksyon
ng hangin
Malakas
ang hangin
[画像:Warnings by course in Mie] Area ng windstorm kung saan malakas ang ulan sa baybayin ng timog na bahagi Area ng windstorm + daluyong Malakas na hangin (malakas na ulan)

Mga punto sa paglikas

[画像:Parent and child evacuating]
Kung lilikas habang may baha, bigyan ng sapat na pansin lalo na ang paanan. Huwag pabayaan ang mga bata at matatanda, kundi tulungan sila tulad ng paghawak sa kanilang kamay at iba pa.
Mga punto
  • Bawal ang nakayapak o botas. Mabuti ang maaaring italing sports shoes.
  • Hindi nalalaman kung anong panganib ang mayroon sa tubig. Gawing tungkod ang mahabang patpat at maglakad habang sinisiguro ang kaligtasan.
  • Hawakan ang kamay, o kargahin sa likod ang matatanda, maysakit at iba pa.
  • Bigyan ng salbabida ang maliliit na bata at matatanda.
Dito ang impormasyon sa mga nakaraang sakuna ng pagbaha

Kailangang mag-ingat sa panahon ng bagyo!!

Kapag umulan nang malakas sa lugar na dinadaluyan ng mga ilog, o kapag natunaw sa tagsibol ang naipong niyebe sa bundok, maraming tubig ang aagos sa mga ilog. Dahil dito, magdudulot ang tubig ng pinsala sa pampang tulad ng pagkasira ng pasilidad na pamprotekta sa pampang, at paglampas nito sa dike.

Pamantayan ng dami ng ulan

Medyo malakas na ulan
10–20 mm
Mahirap mag-usap dahil sa tunog ng ulan
Mayroong ludlod sa lahat ng dako
Kailangan ang pag-iingat kapag nagpatuloy nang matagal ang ganitong pag-ulan

Malakas na ulan
20–30 mm
Aapaw ang kanal dahil sa buhos ng ulan Magsisimula ang pag-apaw ng maliit na ilog, at kaunting pagguho ng bangin

Matinding ulan
30–50 mm
Pagbuhos ng ulan na parang timbang tinaob
Parang ilog na ang kalsada
Madaling mangyari ang pagguho ng bangin
Maghanda para lumikas

Napakatinding ulan
50–80 mm
Patuloy ang pag-ulan na parang talon
Bubulwak ang tubig mula sa manhole, papasok ang tubig-ulan sa basement at underground mall, at maraming mangyayaring sakuna ng pagbaha at pagguho

Marahas na ulan
80 mm o higit pa
Makakaramdam ng presyon na nakakapahirap sa paghinga, at takot
Kailangan ang lubusang pag-iingat dahil mataas ang posibilidad na magkaroon ng malakihang sakuna

Magbabago ang epekto ayon sa kurso ng bagyo

Kapag inilabas ang tinatayaang daan ng bagyo, tiyakin kung saang gawi ng area kung saan kayo nakatira ito dadaan.
Daan ng bagyo at direksyon ng hangin Babala na mag-ingat ayon sa kurso sa Mie Prefecture

Mga punto sa paglikas

Kung lilikas habang may baha, bigyan ng sapat na pansin lalo na ang paanan. Huwag pabayaan ang mga bata at matatanda, kundi tulungan sila tulad ng paghawak sa kanilang kamay at iba pa.
Mga punto
  • Bawal ang nakayapak o botas. Mabuti ang maaaring italing sports shoes.
  • Hindi nalalaman kung anong panganib ang mayroon sa tubig. Gawing tungkod ang mahabang patpat at maglakad habang sinisiguro ang kaligtasan.
  • Hawakan ang kamay, o kargahin sa likod ang matatanda, maysakit at iba pa.
  • Bigyan ng salbabida ang maliliit na bata at matatanda.
Copyright(C) Mie Prefecture, All Rights Reserved.
Dibisyon ng mga Hakbang laban sa Sakuna, Departamento ng mga Hakbang sa Pag-iwas sa Sakuna, Mie Prefecture

AltStyle によって変換されたページ (->オリジナル) /