118Chapter1Chapter3Chapter2Chapter4Chapter5Chapter6Chapter7Chapter8Chapter9Chapter10Chapter11Chapter12Pabahay sa Japan
1-1 Sariling bahay
Sa Japan, tinatawag na "sariling bahay" kung mayroong karapatan sa pag-aari nito. Ang
"sariling bahay" ay katulad ng solong bahay o condominium. Para magpatayo ng bahay o bumili
ng bahay, kinakailangan ng iba’t ibang proseso at kontrata.
1-2 Pampublikong pabahay (Public housing)
Ito ay pabahay na inaalok ng lokal na pamahalaan sa murang upa para sa mga may maliit na
kita at namomroblema sa paghahanap ng tirahan. Itinatakda ng bawat lokal na pamahalaan ang
kondisyon para dito, katulad ng kung magkano ang kita, para makaupa nito.
1-3 UR rental housing
Ito ay pabahay na pinapamahalaan ng Urban Renaissance Agency (UR) at may kondisyon
katulad ng kailangang mas malaki ang buwanang kita kaysa sa itinakda ng UR para makaupa nito.
Pero puwede ring makaupa nito depende sa visa (tingnan ang 2-2)
1-4 Pribadong pabahay
Itoaykaraniwangpabahaynamayupa.Puwedeitongupahanngkahitsinobastamakakapagbayad
ng upa at iba pang gastusin batay sa kontrata. Iba-iba ang kontrata depende sa property, kaya itsek
nang mabuti ang mga nilalaman ng kontrata.1 Chapter 11 Tirahan 119Chapter1Chapter3Chapter2Chapter4Chapter5Chapter6Chapter7Chapter8Chapter9Chapter10Chapter11Chapter1211 Tirahan
Pag-upa ng bahay
2-1 Pampublikong pabahay (Public housing)
• Ang pampublikong pabahay ay para sa mga namomroblema sa paghahanap ng tirahan
dahil sa maliit na kita. Kaya, itinakda ng bawat lokal na pamahalaan ang kondisyon katulad ng
laki ng kita para upahan ito.
• Ang mga dayuhan ay maaaring kailangang tumugon sa iba pang kondisyon para makaupa
nito, katulad ng mahigit sa isang taon na visa o may rekord na nanirahan sa Japan, bukod sa
karaniwang hinihinging kondisyon.
• Kapag gustong umupa ng pampublikong pabahay, mag-apply sa lokal na pamahalaang
namamahala nito.
• Para sa detalye tungkol sa hinihinging kondisyon para makaupa, pag-aapply at iba pa,
makipag-ugnayan lamang sa lokal na pamahalaang namamahala sa pabahay na nais upahan.
2-2 UR rental housing
• Para umupa nito, may kondisyon katulad na dapat mas malaki ang buwanang kita kaysa sa
itinakda ng UR.
• Ang mga dayuhan ay maaaring umupa kapag Diplomat, Official, special permanent resident,
o medium o long-term resident (kasama ng permanent resident) ang visa.
• Para sa detalye tungkol sa kung paano ang pag-aapply para sa pag-upa o kung may bakante,
makipag-ugnayan lamang sa UR Sales Center.
2-3 Pribadong pabahay
• Para sa mga dayuhang naghahanap ng pribadong pabahay sa Japan, kapaki-pakinabang ang
"Apartment Search Guidebook" at "Gabay para sa mga titira sa inuupahang bahay".
• Sumangguni lamang sa "Apartment Search Guidebook" dahil narito ang impormasyong
makakatulong para sa paghanap ng tirahan, katulad ng mga sumusunod.
1 Paano ang paghahanap ng pribadong pabahay sa Japan at pagpirma ng kontrata
2 Kakailanganing dokumento at gastusin
3 Proseso ng pag-upa
4 Mga tuntunin sa tirahan sa Japan
5 Proseso ng pag-alis
6 Mga ginagamit na salita sa pag-upa ng tirahan
• Ipinapakita ng "Gabay para sa mga dayuhang titira sa inuupahang bahay" ang mga
nakakatulong impormasyon sa paghanap ng matitirahan sa Japan at mga website ng mga
tindahan ng real estate na puwedeng tumugon sa wikang banyaga.
Homepage ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism
Para sa detalye, pakitsek ang homepage na ito.
https://www.mlit.go.jp/jutakukentiku/house/jutakukentiku_house_tk3_000017.html2 120
Chapter1Chapter3Chapter2Chapter4Chapter5Chapter6Chapter7Chapter8Chapter9Chapter10Chapter11Chapter1211 Tirahan
"Apartment Search Guidebook"
Hapon http://www.mlit.go.jp/common/001317843.pdf
Inggles http://www.mlit.go.jp/common/001317844.pdf
Intsik http://www.mlit.go.jp/common/001317845.pdf
Koreano http://www.mlit.go.jp/common/001317846.pdf
Kastila http://www.mlit.go.jp/common/001317847.pdf
Portuguese http://www.mlit.go.jp/common/001317848.pdf
Vietnamese http://www.mlit.go.jp/common/001316936.pdf
Nepali http://www.mlit.go.jp/common/001316937.pdf
Thai http://www.mlit.go.jp/common/001312581.pdf
Indonesian http://www.mlit.go.jp/common/001312584.pdf
Myanmar http://www.mlit.go.jp/common/001312587.pdf
Khmer http://www.mlit.go.jp/common/001312589.pdf
Pilipino http://www.mlit.go.jp/common/001312590.pdf
Mongolian http://www.mlit.go.jp/common/001312591.pdf
Hapon Inggles Intsik Koreano
Kastila Portuguese Vietnamese Nepali
Thai Indonesian Myanmar Khmer
Pilipino Mongolian 121Chapter1Chapter3Chapter2Chapter4Chapter5Chapter6Chapter7Chapter8Chapter9Chapter10Chapter11Chapter1211 Tirahan
"Gabay para sa mga dayuhang titira sa inuupahang bahay"
https://www.mlit.go.jp/common/001334734.pdf
Mga impormasyon tungkol sa mga pabahay na maaaring upahan ng dayuhan
https://www.safetynet-jutaku.jp/guest/index.php (Hapon)

AltStyle によって変換されたページ (->オリジナル) /