Patnubay Online

of the Humanity, by the Humanity, for the Humanity

Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq – itinampok ng Asia Times Online

Posted By: Patnubay Online September 20, 2019

Share this:

Itinampok ng Asia Times (Arabic News) Online noong Abril 2019 – ang Embahada ng Pilipinas sa Baghdad dahil sa pagka-epektibo at pagkamasigasig sa paglulutas sa mga kaso ng human trafficking sa bansang Iraq.

Labintatlong (13) kababayan ang na-rescue ng ating embahada sa first quarter ng 2019. Karamihan sa mga biktima ay pumasok ng UAE gamit ang tourist visa at saka pumasok sa Iraq. Isa sa labintatlo na biktima ay kinuha pa ng ating embahada mula sa kulongan ng Basra

Patnubay Reactions:

Nakakahanga talaga ang mga tauhan ng ating Embahada sa Iraq. Tinanggap nila ang assignment sa isang bansa na laging may nakaambang panganib sa araw-araw. Isa pa, walang batas at walang ahensya ng gobyerno ang bansang Iraq para labanan ang human trafficking.

Maliban sa panganib, kawalan ng batas at ahensya, ay lima (5) lang ang tao na nagpapatakbo sa ating embahada.

Sila ay sina Vice Consul Jomar Sadie na siya na rin Charge D’Affaires o acting ambassador, dalawang (2) ATN Officers na sina Richard Billedo at Jerome Friaz, isang (1) Finance Officer na si Joselito Adaya at isang (1) Protocol Officer na si Rommel Bermas.

Hindi hadlang sa kanilang tungkolin ang kaliitan ng kanilang bilang. Ang bawat isa ay nagtutulongan sa function ng bawat isa. Kaya na lamang para sa ATN cases katulad ng human trafficking, ay silang lima din ang nagtutulongan. Maraming salamat servant leadership traits nina VC Sadie at ng kanyang buong team.

Kahit na walang ahensya laban sa Human Trafficking ang gobyerno ng Iraq, gumawa ang ating Embahada ng inisyatibo na makipag-ugnayan sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA) at Ministry of Interior (MOI) para talakayin ang human trafficking cases.

Philippine Embassy meeting with General Mowfaq Abdulwahab Tawfeq of Ministry of Interior of the Republic of Iraq on cooperation between the two countries in their fight against human trafficking in the Philippine – Iraq route.

At kahit na walang batas ang Iraq laban sa Human Trafficking, alam ng ating Embahada gamitin ang existing UN Treaties katulad ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR), Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women (CEDAW), United Nations Convention against Transnational Organized Crime, etc.; at gamit ang mga existing UN International Laws katulad ng United Nations Protocol against the Smuggling of Migrants, Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons at International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families, etc.

Gumawa din sila ng Video Information Drive tungkol sa Human Trafficking para mapigilan yong mga maaring mabibiktima o yong mga kusang magpapabiktima.

[引用]

Simula noong 2018, mabilis na tumaas ang bilang ng mga biktima ng Human Trafficking mula Pilipinas papuntang Iraq. Karamihan sa mga biktima ay mula sa Hilagang Luzon o Ifugao Province. Sila ay madalas na maloko ng mga illegal recruiters na nasa Baguio at Taguig. Ang mga biktima ay pinapangakuan ng trabaho sa Turkey o European cities ngunit sila ay napapadpad sa Iraq ng walang trabaho. Simula 2019, mayroon nang at least 17 biktima ang mga sindikatong ito. Walo sa mga biktima ay nasa Embahada pa rin ngayon dahil marami pang komplikasyon sa kanilang illegal na visa. Ang ilan ay nakauwi na at ang ilan ay hinahanap pa namin.Maging responsableng OFW. Google is your friend. Huwag maging biktima ng illegal recruitment o human trafficking.#traffickinginpersons #HumanTrafficking #illegalrecruitment #Philippines #DFAinActionIACAT Clark International Airport Ninoy Aquino International Airport MIAA Bureau of Immigration, Philippines

Posted by Philippine Embassy in Iraq on Thursday, September 5, 2019
Philippine Embassy in Iraq – information drive to prevent Human Trafficking
Share this:

Copyright 2025 | Patnubay Online

AltStyle によって変換されたページ (->オリジナル) /